Kauna-unahang trilateral marine exercise, isasagawa ng PH, Japan at US Coast Guards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang simulan sa unang araw ng Hunyo ang pinakaunang trilateral marine exercise ng Philippine Coast Guard katuwang ang Japan at US coast guards.

Ayon sa PCG, sasalang sa naturang marine exercise ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Boracay (FPB-2401), at isang 44-meter multi-role response vessel, habang ang USCG at JCG ay ipapadala ang kanilang barkong USCGC Stratton (WMSL-752) at Akitsushima (PLH-32).

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio, ang naturang aktibidad ay magpapalakas ng maritime cooperation at understanding ng mga kasaling bansa.

Ayon naman kay CG Vice Admiral Punzala Jr., matagal nang tinutulungan ng Estados Unidos at Japan ang Pilipinas hinggil sa humanitarian efforts ng PCG at ito aniya ang magandang pagkakataon na maipakita sa mga ito ang kanilang natutunan mula sa programa ng mga USCG at JCG.

Ang nasabing marine excercise ay tatagal hanggang Hunyo 7 kung saan kabilang sa mga aktibidad ay ang sporting event para mapalakas ang samahan ng tatlong coast guard units, isang special interest exchange para sa mga kababaihan sa maritime law enforcement, at isang expert exchange para naman sa professional development ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📷: CG ASN CB PIS-AN / CGPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us