Konstruksyon ng Calawis Water System ng Manila Water, patapos na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Manila Water Company na makukumpleto na sa susunod na buwan ang konstruksyon ng Calawis Water Supply System Project nito sa Antipolo.

Kasama sa proyekto ang water treatment plant (WTP), pumping stations, reservoirs, at 21 kilometro ng primary transmission line.

Pinondohan ng ₱8.2-billion ang naturang proyekto na inaasahang makakapaghatid ng karagdagang 80 milyong litro ng tubig kada araw sa higit 900,000 residente ng Antipolo at mga karatig nitong lugar.

Sa kasalukuyan, habang pinaghahandaan ang full operations nito ay nagsimula na ring magsuplay ng treated water ang naturang pasilidad sa ilang lugar kabilang ang Antipolo Government Center.

Ang Calawis Water Supply System Project ay bahagi ng Water Supply Masterplan ng Manila Water na layong tiyakin ang sapat na suplay ng tubig sa East Zone.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us