Kooperasyon ng PH at US para sa air transportation, palalawakin pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalawakin ng Pilipinas at Estados Unidos ang air connectivity cooperation ng dalawang bansa at pagsasamoderno ng Balikatan para sa bilateral aviation.

Isa lamang ito sa napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden sa naganap na bilateral meeting ng dalawang lider sa White House.

Bahagi pa rin ito ng limang araw na official working visit ng Pangulo sa Washington DC.

Una nang sinabi ng dalawang lider na ang pagsasamoderno ng aviation relationship na ito ay siya ring magpapatatag sa economic at people-to-people ties ng US at Pilipinas.

Inaasahan na gagawing pormal ng US at Philippine aeronautical authories ang dayalogo para dito, sa gaganaping APEC Transportation Ministerial Meeting, sa Estados Unidos, ngayong buwan.

Sa dayalogong ito, tututukan ang pagpapaigting ng polisiya at regulatory alignment, alinsunod sa layong gawing moderno ang US – Philippines air transportation agreement. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us