Labi ng apat na OFW mula sa nasunog na factory bansang Taiwan, nakauwi na sa Pilipinas ayon sa OWWA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa bansa kaninang madaling araw ang mga labi ng 4 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Taiwan matapos ang nangyaring sunog sa isang factory sa naturang bansa noong April 25.

Kinuha sa cargo center sa Parañaque City ang labi ng naturang mga OFW at sinalubong ng kanilang pamilya at nakatakdang dahil sa kani-kanilang tahanan.

Sinalubong ng ilang opisyal mula sa Manila Economic and Cultural Office (Meco) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga pamilya ng naturang mga ofws.

Sasaguting ng OWWA ang pagpapalibing ng naturang mga OFW at nakahandang bigyan ng kaukulang tulong pinansya mula sa national government. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us