Labis na paniningil ng pamasahe ng motorcycle taxi, hindi kukunsintihin ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iimbestigahan na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board ang napaulat na labis na paniningil ng pamasahe, partikular sa mga pasahero ng mga motorcycle taxi.

Makikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Motorcycle Taxi – Technical Working Group para tutukan at imbestigahan ang isyu ng overcharging.

Tiniyak ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi nito kukunsintihin ang anumang paglabag tulad ng sobrang pagsingil ng pamasahe sa loob ng sistema ng pampublikong transportasyon.

Aniya, may fare matrix na ginawa upang matiyak na ang mga pamasahe na sinisingil ng lahat ng mga operator ng pampublikong sasakyan mula sa mga commuter anuman ang uri ng sasakyan ay patas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us