Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nabawasan sa magdamag ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nasa 191.64 meters ang lebel tubig sa Angat Dam, na higit 10 metro nalang ang layo sa minimum operating level nitong 180 meters.

Nabawasan pa ito ng 15 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 191.79 meters.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa La Mesa, at San Roque Dam.

Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us