Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na pakikipagtulungan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang malabanan ang terorismo sa bansa.
Ang pagtiyak ay ginawa ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Roy Galido sa pagbisita ni AMLC Deputy Director Attorney Joeshias Tambago sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.
Ayon kay Galido, napag-usapan ng AFP at AMLC ang pagpapalakas ng mga legal na mekanismo laban sa terorismo.
Gagawin aniya ito sa pamamagitan ng pagpapabilis sa pag-uusig sa mga kasong isinampa laban sa mga lokal na terorista sa Sulu.
Pinasalamatan naman ni Galido ang AMLC sa suporta sa militar at sa pagkakataon na makabisita sa kanilang kampo.
Tiniyak rin ni Galido ang tulong ng militar sa mga aktibidad ng AMLC sa area of operation ng WestMinCom. | ulat ni Leo Sarne
📸: WestMinCom