Liderato ni Pres. Marcos Jr., malaking papel ang ginagampanan sa paglalim pa ng ugnayan ng PH at US — US VP Harris

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking papel ang ginagampanan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalalim pa ng ugnayan at balikatan ng Pilipinas at Estados Unidos, partikular sa pagsusulong ng paglago at seguridad ng kapwa bansa.

Sa pagkikita nina Pangulong Marcos at US Vice President Kamala Harris sa Washington DC, ipinaliwanag nito na dahil pareho ang prayoridad at isinusulong ng Marcos administration at ng kanilang pamahalaan, mas nagiging madali ang pagpapatupad ng kooperasyon at mga programa, partikular sa linya ng clean energy economy at seguridad, lalo na sa mga usapin sa South China Sea.

“Your leadership we have been able to continue to do the work that we have that is a priority around our mutual prosperity and security. During my visit to the Philippines, we discussed many issues including the importance of clean energy economy. You and I share a passion for that,” ani VP Harris.

Kabilang rin aniya dito ang pagtugon sa usapin sa food security at digital inclusion.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Pangulong Marcos.

“I think that has given us the very attractive opportunity to continue to strengthen the relationship between our two countries in the face, in the context of all of the difficulties and complexities, the rising tensions in our region and the world,” ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo ang pagbisita ng kapwa opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos sa isa’t isa ay lalo lamang nagpapatibay sa samahan ng dalawang bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us