Liderato ni Senate President Migz Zubiri, matatag at walang anumang banta ng kudeta ayon sa ilang senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Sherwin Gatchalian, na matatag ang liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri,

Ito ay sa gitna ng ugong na kudeta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Estrada, nakatuon sila sa trabaho at wala siyang nalalaman na nagbabalak palitan si SP Zubiri.

Iginiit naman ni Gatchalian, na ang mataas na rating ng Senado ay pagpapakita na kuntento ang publiko sa performance ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni Zubiri.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi dapat ubusin ang oras sa pulitika.

Napakarami aniyang trabaho na dapat asikasuhin ngayon dahil sa napakaraming panukalang batas na kailangang talakayin at aprubahan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us