Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang limang CPP-NPA-NDF supporters at isang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa Quezon.
Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander, Maj. Gen. Roberto Capulong ang sumukong miyembro ng SPL ay mula sa Brgy. Ilayang, Tayuman, San Francisco at ang limang NPA supporters ay mula sa Brgy. Maguibuay, Tagkawayan.
Nag-facilitate sa pagsuko ng mga ito ang 85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division, PNP Quezon, at San Francisco at Tagkawayan Municipal Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC).
Sinabi pa ni Gen. Capulong na ang serye ng pagsuko ng mga kasapi ng kilusang komunista ay resulta ng pakikipagtulungan ng mga kasundaluhan sa key stakeholders tungo sa pagkamit ng tiwala ng sambayanan.
Ayon sa opisyal, patuloy rin ang pagbibigay seguridad ng militar sa mga komunidad at hinihikayat ang mga natitirang rebelde na sumuko na upang makinabang sa programa at benepisyo mula sa gobyerno. | ulat ni Leo Sarne