LTO Chief Asec. Tugade, magbibitiw na sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayon ni Land Transportation Chief Assistant Sec. Jay Art Tugade na magbibitiw na ito sa pwesto bilang hepe ng LTO.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na bagama’t pareho sila ng layunin ng Department of Transportation na magtagumpay sa pagbibigay serbisyo sa publiko ay magkaiba naman sila ng pamamaraan.

Dahil dito, bababa na lamang aniya siya sa pwesto para makapili na ng ibang itatalaga sa posisyon si DOTr Sec. Jaime Bautista.

“Even as DOTR and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ. For this reason, I am stepping down, so Sec. Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best with.”

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Asec. Tugade na mananatili itong nakaagapay sa LTO bilang isang private citizen.

“I will continue to root for the LTO’s success even as a private citizen, because I will always share in Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country.”

Ayon naman sa LTO, epektibo sa June 1 ang pagbaba sa pwesto ni Tugade. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us