LTO, maglalabas ng digital driver’s license

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang digital o electronic na bersyon ng driver’s license.

Ayon kay LTO Chief Asec. Jay Art Tugade, ang ilulunsad na digital driver’s license ay magsisilbing isa pang alternatibo habang may kakulangan pa ng pisikal na license card.

Pagtalima na rin aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipatupad ang digitalisasyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Ayon sa LTO, maaaring ma-access o makita ang digital driver’s license sa “super app” ng DICT at maari na ito mismong ipresenta sa mga enforcer.

Magkakaroon din ito ng security features na gaya ng ginagamit sa pisikal na driver’s license.

Maliban sa digital na driver’s license, maaari rin aniyang magamit ng publiko ang “super app” para sa iba’t-ibang transaksyon sa LTO tulad ng license registration at renewal gayundin ang online payments. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us