Isang mambabatas ang nagsusulong na bigyang proteksyon ang mga ESports player.
Nakapaloob sa House Bill 7888 o “Magna Carta for ESports Gamers” ni Parañaque 2nd district Rep. Gus Tambunting, ang pagtitiyak sa kanilang karapatan at pagkakaloob sa kanila ng sapat na benepisyo at pribilehiyo, medical services, health insurance, scholarship programs, death benefits at iba pa.
Itatatag naman ang National ESports Gamers Welfare Fund na isang espesyal na pondo, na pangangasiwaan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Dito kukunin ang pondo para sa benepisyo o insentibo at pinansyal na tulong sa mga pambansang ESports gamer, sakaling sila ay ma-injure o magkasakit habang sila ay kasali o naghahanda para sa ESports competitions.
Punto ng mambabatas, na sa mga nakalipas na taon ay nagiging popular na ang ESports, at milyong-milyong tao sa buong mundo ang naglalaro ng video games bilang sport o competition.
Dahil naman sa kasikatan na ito ng ESport ay kailangan na aniyang magkaroon ng “legal framework” at proteksyon para sa mga player. | ulat ni Kathleen Forbes