Maharlika Investment Fund bill, target maaprubahan ng Senado sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Senado na maaprubahan ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa susunod na linggo, bago mag-session break ang Kongreso.

Sa ngayon ay sumasailalim pa sa interpellation ng mga senador ang MIF bill.

Kagabi, nakiusap si Zubiri sa sponsor ng MIF bill sa Senado na si Senador Mark Villar na imbitahan sa sesyon ang economic team ng administrasyon, partikular si Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ito aniya ay para ipakita sa publiko na pinaprayoridad ng gobyerno ang panukala.

Samantala, sa interpellation naman kagabi, isa sa naging paksa ang posibilidad ng accountability ng mga miyembro ng board of directors ng bubuuing Maharlika Investment Corporation sa sandaling magkaroon ng iregularidad.

Sinabi ni Villar na alinsunod sa panukala, bukod sa kasong kakaharapin ay maaaring ma-forfeit ang mga benepisyong dapat matanggap ng board of director na masasangkot sa kwestyonableng aktibidad.

Nanawagan naman si Senador Grace Poe sa mga kasamahan sa Kongreso na kung ipapasa ang panukala ay tiyaking protektado ang pondong mailalagay dito at may sapat na safeguards upang maiwasan ang anumang katiwalian. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us