Maharlika Investment Fund, pasado na as ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (Senate Bill 2020).

Pasado alas-dos ng madaling araw kanina naipasa ang naturang panukala kung saan sa naging botohan, 19 na senador ang bumoto ng pabor, isa ang tumutol sa katauhan ni Senadora Risa Hontiveros at isa ang nag-abstain sa botohan (Senadora Nancy Binay).

Napag-alaman namang wala sa sesyon habang nagbobotohan sina Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senadora Imee Marcos, at Senador Chiz Escudero.

Mamayang alas-11 ng umaga, gagawin ng ang bicameral conference committee meeting para mapagkasundo ang magkaibang bersyon ng kamara at senado ng MIF bill.

Sa panig ng senado, ang mga naitalagang miyembro ng bicam panel ay sina:

Sen. Mark Villar (Chairperson)

Sen. Pia Cayetano

Sen. Ronald Dela Rosa

Sen. Sherwin Gatchalian

Sen. Francis Tolentino

Sen. Alan Peter Cayetano

Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kung magkakasundo ngayong araw ang bicam panel ay target ring maratipikahan ang mabubuong bicam report ngayong huling araw ng sesyon ng kongreso.

Samantala, kabilang naman sa mga pagbabago sa MIF bill ng senado ang pagbabawal sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) na mag-invest sa Maharlika Investment Fund.

Ito ay para matiyak na hindi magagalaw ang pension funds mga government at private sector employees. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us