Mahigit 1k dayuhang biktima ng human trafficking na nailigtas ng ACG, pauuwiin na sa kani-kanilang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakauwi na sa kani-kanilang bansa ang karamihan sa mahigit isang libong dayuhan na biktima ng human trafficking na nailigtas ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) noong Mayo 4 mula sa Clark Sun Valley Hub Corporation sa Clark Freeport and Special Economic Zone, Mabalacat, Pampanga.

Ayon kay ACG Spokesperon Police Capt. Michelle Sabino, pumayag na ang Bureau of Immigration (BI) na i-waive ang multa sa mga biktima sa paglabag sa immigration law, matapos na tumulong ang ACG sa pagproseso sa mga ito.

Sa ngayon aniya ay nag-isyu na ang BI ng “allow departure order” sa 936 dayuhang biktima; kung saan 150 na ang na-repatriate hanggang kahapon, at 140 ang paalis ng Pilipinas sa susunod na linggo.

Iniulat din ni Sabino na nagpalabas na ng indictment kahapon ang Department of Justice (DOJ) laban sa 10 suspek na kinasuhan ng paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Prevention Act of 2012, at Serious Illegal Detention.

Pinangakuan umano ng mga suspek ang mga biktima ng lehitimong trabaho sa Pilipinas, pero pagdating sa bansa ay kinuha ang kanilang passport at pinagtrabaho bilang call center agents na nanghihikayat sa mga dayuhan na mamuhanan sa crypto currency scam. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us