Asahan nang magtutuloy-tuloy pa ang pagpapauwi sa mga nasagip na Pilipino na naipit sa nangyaring gulo sa Sudan.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Foreign Affairs o DFA makaraang umuwi kagabi ang may 15 repatriates sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay DFA Office of Migrant Workers Affairs Acting Director Armand Dulay, sa ngayon ay nasa 32 Overseas Filipino Workers o OFWs na ang napauwi sa bansa.
Habang aabot naman sa 616 ang mga Pilipinong nailikas na mula sa Khartoum na kasalukuyan nang nanunuluyan sa border at ibibiyahe na patungong Cairo.
Gayunman, sinabi ni Dulay na may humigit kumulang 100 pang OFW ang hindi pa nakapapasok sa Egypt dahil sa pagpoproseso ng kanilang dokumento. | ulat ni Jaymark Dagala