Mahigit 800 sasakyan, na-impound sa isang linggong operasyon ng HPG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lagpas sa 800 sasakyan ang na-impound ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa kanilang pinaigting na operasyon laban sa carnapping at paglabag sa batas trapiko.

Ayon kay HPG Director Police BGen. Raul Bargamento, sa isang linggo mula Mayo 8 hanggang 14, umabot sa 841 na mga sasakyan ang kanilang na-impound kung saan 713 ang motorsiklo at 128 naman ang mga kotse.

Habang nakapag-isyu naman ang mga tauhan ng HPG ng mahigit 26,000 ticket sa mga motorista dahil sa samu’t-saring traffic violations.

Kabilang dito ang iligal na paggamit ng modified muffler, mga blinker at ilaw, HPG logo at sticker, at sirena.

Samantala, naaresto naman ng HPG ang 15 suspek na sangkot sa carnapping; at narekober ang 9 na motorsiklo at 3 sasakyan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us