Malabon City, nasa Blue Alert status dahil sa banta ng Bagyong Betty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling nakaalerto ang Malabon LGU para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa harap ng banta ng Bagyong Betty.

Sa ngayon ay nakataas na ang Blue Alert status sa lungsod alinsunod na rin sa direktiba ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval.

Sa ilalim nito, ay inaatasan ang paglalabas ng Weather Advisory sa 21 Barangays sa Malabon gayundin ang paglalabas ng “Alert at Monitoring” status sa lahat ng mga ahensiyang miyembro ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC).

Pinapatutukan din ang lagay ng panahon, mga ilog, flood markers at High Risk Areas sa lungsod.

Ang MDRRMC at BDRRMC ay nasa on call status at pinapagana na rin ang Emergency Operations Center (EOC).

Maging ang relief goods ay nakahanda na rin para sa mga posibleng evacuees.

Pinatitiyak naman ng CIty Health Department (CHD) ang pagkakaroon ng gamot at mga kagamitan para sa posibleng operasyong medikal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷:Malabon LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us