Malabon LGU, nakaalerto na sa pagpasok ng bagyong Mawar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na rin ng Malabon City local government ang banta ng bagyong Mawar na nakaambang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.

Matapos na ianunsyo ng PAGASA ang patuloy na paglakas ng bagyong may local name na ‘Betty,’ pinangunahan mismo ni Malabon Mayor Jennie Sandoval ang Pre-Disaster Risk Assessment Meeting kasama ang mga opisyal ng LGU.

Pangunahing tinalakay rito ang mga preparedness measures para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod.

Kaugnay nito ay hinikayat naman ng alkalde ang mga residente na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng pamahalaang lungsod.

“Asahan niyo po na laging handa ang ating lungsod sa pagharap ng mga sakuna kagaya nitong inaasahan nating bagyo. Patuloy po tayong mag-ingat at maging alerto palagi,” paalala ng Alkalde.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us