Mambabatas, ipinanawagan ang mas mainam na serbisyo para sa mga residente ng Pag-asa Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senador Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa senado na bigyang atensyon ang mga residente ng Pag-asa Island sa Palawan at i-angat din ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Estrada na hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at malayo ng Pag-asa Island upang pabayaan ang mga nakatira roon.

Ginawa ng Senate Committee on National Defense Chairman ang panawagan matapos ang personal niyang pagbisita sa isla noong Huwebes kasama sina AFP Chief of Staff General Andres Centino at iba pang opisyal ng AFP.

Ipinaalala ng mambabatas ang moral obligation ng public servants na tiyaking may access ang mga residente ng isla sa basic necessities tulad ng edukasyon, healthcare at livelihood.

Sa datos, nasa 350 ang sibilyang nananatili sa Pag-asa Island, kabilang na ang 73 na mga bata.

Ibinahagi ng senador ang kakulangan ng transportasyon, suplay ng kuryente, mga ospital, at healthcare workers.

Ipinunto pa ni Estrada na kailangan pang i-airlift ang mga buntis ilang buwan bago ang kanilang kabuwanan o petsa ng panganganak.

Ang mga kabataan naman aniyang nag-aaral sa isla ay nagkakasya lang sa dalawang guro, na minsan ay nagiging tatlo kapag may boluntaryong sundalo na magturo sa kanila.

“For far too long, our brothers and sisters in Pag-asa Island have lived in constant uncertainty. They have endured the harsh realities of a life cut off from essential services and opportunities that many of us take for granted…Their access to healthcare, education, and even the basic necessities of life is hampered by their geographic isolation…Let us not allow the remoteness of Pag-asa Island to be an excuse for neglect. Let us embody the spirit of solidarity and compassion that defines us as a nation… Bigyan natin ng pag-asa ang mga taga Pag-asa…” – Sen. Jinggoy Estrada.

Kinatigan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang apela ni Estrada sa pagsasabing may karapatan din ang mga residente ng Pag-asa Island para sa mas maayos na pamumuhay bilang sila ay mga Pilipino.

Sinabi ni Zubiri na maaaring sa pagbalangkas nila ng 2024 national budget ay mabuhusan ng dagdag na pondo ang isla para sa kanilang mga imprastraktura at serbisyong kinakailangan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us