Mambabatas, mga obispo at catholic schools, nagpulong para sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng dayalogo nitong Huwebes ang ilang kongresista kasama ang mga obispo at opisyal ng ilan sa Catholic schools sa bansa.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list representative Jude Acidre, na siyang nanguna sa House delegation, layunin nitong mapakinggan ang panig ng catholic schools sa kung paano pa mapagbubuti ang sektor ng edukasyon.

Ilan sa mga napag-usapan ay ang Complementary and Partnership in Education at Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE.

Nangako naman ang mga mambabatas na aaralin ang concerns ng catholic private schools upang makapaglatag ng panukalang batas na tutugon sa mga ito.

Kabilang sa mga nakaharap ng mga kongresista sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Bishop Pablo Virgilio S. David at mga Bishop mula Malolos, Novaliches, Cubao, Military Ordinariate. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us