Mambabatas, umaasang magkaroon ng PH-US joint patrol sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na maisakatuparan ang pagkakaroon ng joint patrol sa pagitan ng Pilipinas, US, at iba pang kaalyadong bansa.

Ito ang inihayag ng kongresista kasunod ng panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Ani Villafuerte, sana ay kasama ito sa napag-usapan sa bilateral meeting nina Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden.

“[I am hoping] our Chief Executive’s series of meetings with American officials led by President Biden himself would include top-level discussions on the planned joint maritime patrols with the US and with Manila’s other allies that similarly want, like the Philippines,  to keep the WPS as a zone of ‘peace, security, stability and prosperity,’” ani Villafuerte.

Sa kabila kasi aniya ng serye ng pakikipag-usap ng Pilipinas sa China sa diplomatikong pamamaraan ay patuloy naman ang ‘pambu-bully’ nito sa bansa.

Ngunit dahil sa wala naman kakayanan pa ang Pilipinas na lumaban sa isang ‘superpower’ gaya ng China, ang pinakamainam aniyang tugon ay magkaroon ng border security arrangement katuwang ang ating key allies gaya na lamang ng US.

“With Beijing ignoring time and again  the hundreds of diplomatic protests that have been filed by Manila over the nonstop intrusions  of Chinese vessels into the WPS, I believe the best approach we can take at this point to put an end to such bullying tactics is for us to double down on plans for joint patrols in the disputed waterway with the US and other allies like Japan and Australia that seem open to such a border security arrangement…to start making  Beijing feel it can no longer continue with its bullying ways,” dagdag ng Camarines Sur solon.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us