Nais palakihin at palawakin pa ng Department of Transportation ang pasilidad ng Manila Internationa Container Terminal para mas makapag-accommodate ng mga incoming at out going cargo shipments sa bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sa ilalim ng naturang expansion, maa-anticipate na ng kanilang kagawaran ang karagdagang volume ng mga shipment sa bansa at upang hindi muling magkaroon ng port congestion sa naturang container terminal.
Dagdag pa ni Bautista, ang MICT Berth 8 project ay magkakaroon ng karagdagang shipdocks at adisyonal na container space para sa mas malawak na movements ng mga cargo na papasok at lalabas sa Pilipinas. Ito ay may karagdagang kapasidad na 3 hanggang 3.5 million twenty foot equivalent container units.
Sa huli, muling siniguro ni Secretary Bautista na ang Informal Settler Families na matatamaan ng naturang proyekto ay mabibigyan ng karampatang financial assistance at lugar na malilipatan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio