Hindi tumitigil ang Marcos Administration sa pagtugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Pahayag ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng pinakahuling suvey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na 51% o 14 milyong pamilyang Pilipino ang ikinu-konsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.
Ayon sa kalihim, tuwing bumibilis ang inflation rate sa bansa, ikinu-konsidera talaga ng mga pamilya ang kanilang sarili bilang mahirap.
Ito ayon sa kalihim ay kahit pa nakakakita ng improvement sa labor market conditions ng bansa.
“The SWS survey results for March 2023 reflect that tendency, even as the labor market conditions have been improving, as shown by recent months of PSA surveys.” —Secretary Balisacan.
Ito rin ang dahilan, ayon sa kalihim, kung bakit tutok ang pamahalaan sa pagtugon sa mga usaping nakaaambag sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.
“The administration has succeeded in reducing overall inflation in the past three months, as shown also by PSA survey data.” —Secretary Balisacan.
Sa pagtatapos ng 2023, target ng administrasyon na maibaba sa 2% hanggang 4% ang inflation sa bansa.
“That is why we have been working hard to address the issues contributing to the price elevation in recent months. We have, however, much more work to do as the government targets inflation to return to low levels of 2 to 4 percent by the end of the year.” —Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan