Marikina, naglabas ng class suspension ngayong araw hanggang linggo sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang paghahanda sa pagpsok ng bagyong Mawar sa ating bansa, naglabas na ng class suspension ang Lungsod ng Marikina mula ngayong ayaw hanggang sa linggo.

Ayon sa Marikina City LGU ang naturang suspensyon ay sa lahat ng antas ng paaralan mapa-pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod.

kabilang din sa naturang suspensyon ang mga ilang aktibidad ng paaralan hanggang sa Sabado at Linggo bilang paghahanda sa posibleng epekto ng malalakas na pag-ulan ng bagyong Mawar.

Kaugnay nito, inatasan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Marikina Rescue 161 na maging handa at all cost sa pagpasok ng bagyo ngayong araw at sa mga susunod na araw.

Ayon pa kay Mayor Teodoro nakahanda na ang mga equipment at mga frontline personnel ng lungsod ng Marikina para tumugon sa ano mang emergency situation na agaran silang ide-deploy sa mga lugar na kailangan ng tulong.

Maging ang mga rescue volounteers ay nakahanda na rin sa anumang magiging eventuality sa lungsod sa mga darating na araw.

Sa sitwasyon naman ng level ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal naman hanggang sa mga oras na ito. Sa sitwasyon naman ng trapiko ay napakaluwag ngayon dahil sa walang pasok ang mga estudyante. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us