Ipinapanukala ni Cagayan de Oro Repreaentative Rufus Rodriguez na patawan ng parusang pagkakakulong ang mga mapatutunayang nagbebenta ng bocha o karne ng patay na o may sakit na hayop.
Sa inihaing House Bill 7655 ng kongresista ay aamyendahan ang Meat Inspection Code of the Philippines kung saan tanging pagkumpiska at multa lamang ang parusa.
Sakaling maisabatas, isa hanggang dalawang taong pagkakakulong at multa na ₱50,000 hanggang ₱500,000 ang ipapataw na kaparusahan.
Otomatiko ring kakanselahin ang lisensya o permit sa pagnenegosyo ng lumabag.
“This practice has now become prevalent in the country especially in Metro Manila which is very unfortunate because this jeopardizes both consumers and producers, by endangering health and disturbing market stability. Double-dead meat contains germs and micro-organisms that could cause illness like diarrhea and food poisoning,” saad sa explanatory note ng panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes