Mas mahigpit na gun control, panawagan ng Davao solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na palakasin pa ang regulasyon nito sa pagmamay ari ng baril.

Unahin na aniya dapat ito sa mas istriktong pagsasala ng mga bibigyan ng license to possess and carry firearms.

Ito’y matapos barilin ang isang traffic enforcer sa Cavite kung saan ang suspek ay isang lasing na motorcycle rider.

Batay sa police report, nasita ng enforcer na si William Quiambao ang suspek na kinilala bilang si Aries Carlos. Nauwi ito sa argumento hanggang sa pagbabarilin ni Carlos si Quiambao na dead on arrival sa ospital.

Para sa mambabatas, bago makakuha ng License to Own and Possess a Firearm (LTOPF) ay kailangang pumasa ang aplikante sa neuro-psychiatric examination, at dapat ding tiyakin ng PNP na lehitimo at valid ang pagsailalim nito sa examination.

May mga pagkakataon kasi aniya, na napepeke ang resulta ng exam habang may ibang gun stores na hindi na nire-require ang naturang test maging ang drug test, para makabili ng baril. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us