Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan ng ekonomiya ng Pilipinas na mag-transform upang hindi ito mapag-iwanan ng global market at upang maging bahagi ng bagong mundo.
Sa naging pahayag ng pangulo sa fireside chat sa Blair House, Washington DC, ipinunto ng pangulo na hindi lamang basta dapat mag-recover ang Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic bagkus ay dapat itong magpatuloy sa pagsulong at paglago.
“I do not view it as they said how do we get out of this hole? The hole that the pandemic put us in? I said: ‘Well I see it in a different way.’ I think because – that’s why I do not use “recovery”, the word recovery, I use the word transformation. Because we are not trying to recover to where we used to be. We are trying to transform ourselves to be part of the modern world,” — Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo, malaking oportunidad ito para sa lahat.
Marami aniyang bagong sektor na hindi naman nagi-exist dati ang maaaring maging dominante sa hinaharap.
“Now, that transformation I think will occur I think it is a grand opportunity that we have been given. Now we do not start from a blank sheet of paper but it’s close… And many, many new sectors that did not exist before. There are businesses that did not exist before that will be very dominant in the very near future,” — Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, ayaw niya na basta lamang babalik ang Pilipinas sa status nito noong kalagitnaan ng 2019, bago tumama ang COVID-19 pandemic.
Kailangan aniya na mahigitan ito.
“I want to be somewhere else. I want to be in the middle of the new economy, number one. I think that is important,” — Pangulong Marcos.
Kaya aniya ng Pilipinas ang transpormasyong ito, lalo na sa tulong ng masiglang workforce ng bansa.
“Well, the optimism, number one, comes from our workforce. I have a 107 million population and 60 percent of that are working. And those – we have the youngest, we have the youngest I don’t know in the world but certainly in Asia,” — Pangulong Marcos.
Pagmamalaki ni Pangulong Marcos, ang Pilipinas ang mayroong pinakabatang workforce sa Asya na nasa 23 at 24 years old ang average.
Well-trained aniya ang mga ito, kayang magsalit ng ingles, at napatunayan nang kayang makipagsabayan sa mga aktibidad ng buong mundo.
“We have the youngest workforce with an average age of between 23 and 24. And they are well-trained, they speak English. And very easily, we have shown ourselves to be perfectly capable of engaging in these activities around the world.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan