MDRRMO sa Bayan ng Bongao, pinaghahandaan ang pagpasok ng bagyong Mawar sa PAR; Storm surge plan, ikinakasa na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan ng Lokal na Pamahalaan ng Bongao Tawi-Tawi ang pagpasok ng super typhoon Mawar sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa panayam kay Algibran I. Amilasan, MDRRMO ng Bongao Tawi-Tawi, ang 35 Barangay DRRM council sa bayan ng Bongao ay gumagalaw na upang maipabatid sa kani-kanilang ka-barangay ang posibleng epekto ng naturang bagyo.

Samantala, base sa karanasan sa mga naunang kalamidad ay walong barangay aniya ang posibleng maapektuhan nitong bagyo dulot ng storm surge, dahil ang lokasyon nito ay sa baybaying dagat.

Nagkaroon na ng koordinasyon ang mga kapitan ng walong barangay sa mga school head patungkol sa mga covert court na maaaring gawing evacuation center ng bawat eskwelahan. | ulat ni Laila Sharee T. Nami | RP Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us