Naghahanda na ang Manila Electric Company o Meralco sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa bansa.
Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, patuloy na magmo-monitor ang Meralco sa magiging paggalaw ng bagyo at makakaasa ang customers nito na handa ang kanilang crew na rumesponde 24/7 sa mga emergency at mag-ayos ng mga pasilidad na maaapektuhan ng bagyo.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang pamunuan ng Meralco sa billboard owners na pansamantalang i-rolyo ang mga ito upang hindi liparin o masira ng malakas na hanging dala ng bagyo.
At kung makaranas naman ng power outage at iba pang uri ng service trouble, maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa Meralco sa pamamagitan ng mga opisyal na social media account ng kumpanya sa Facebook at Twitter.
Maaari ring magpadala ng mensahe sa mga numerong 0920-9716211 at 0917-5516211 o tumawag sa 24/7 Meralco Hotline sa bilang na 16211. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio