MERALCO, mahigpit na tinututukan ang sitwasyon sa suplay ng kuryente matapos magtaas ng Red Alert ang NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Manila Electric Company (MERALCO) ang sitwasyon kaugnay sa suplay ng kuryente ngayong araw.

Ito ay makaraang magtaas ng Red Alert Status ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon, at masusundan pa mamayang alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.

Aminado ang MERALCO, na natatagalan ang pagbabalik ng suplay ng kuryente lalo at magpapatupad pa ng Yellow Alert mula alas-4 ng hapon hanggang ala-6 ngayong gabi.

Dahil dito, nagpapatupad ng manual load dropping o rotating power interruptions ang MERALCO sa ilang bahagi ng kanilang franchise area.

Pinapayuhan din ng MERALCO ang mga lumalahok sa Interruptible Load Program sa posibilidad ng de-loading mula sa grid upang makatulong sa pagpapahupa ng sitwasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us