Nakahanda na ang Manila Electric Company o MERALCO sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar lalo na sa suplay ng kuryente.
Ayon kay MERALCO Spokesperson at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, kasado na ang system at crew upang tumugon sa mga brownout o pagkaantala ng serbisyo ng kuryente.
20 oras aniyang naka-standby ang mga personnel para umaksyon sa anumang emergency at mag-ayos ng nasirang pasilidad.
Kaugnay nito, naglabas na ng abiso ang MERALCO sa publiko upang maging ligtas laban sa banta ng bagyo kabilang ang pansamantalang pagbaba o pag-rolyo ng mga billboard.
Sinabi ni Zaldarriaga na karaniwang nakakaapekto ang mga billboard na tumatama sa pasilidad ng kuryente.
Sakali namang pasukin ng baha ang tahanan, agad na patayin ang main circuit breaker ngunit siguraduhing tuyo ang mga kamay at hugutin sa saksak ang mga appliance. | ulat ni Hajji Kaamiño