Inabisuhan na ng Manila International Airport Authority (CAAP) ang mga airline company na paghandaan ang epekto ng corrective maintenance ng Air Traffic Managament Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ito ay isasagawa sa May 17, alas-12 ng hating gabi hanggang alas-6 ng umaga kung saan ipagbabawal ang paglipad ng anumang uri ng sasakyang pang himpapawid sa buong Pilipinas.
Ayon kay Bryan Co, assistant general manager ng MIAA, makikipagpulong sila sa mga airline company para pakinggan ang mga plano kasunod ng ipatutupad na Airspace Shutdown.
Samantala, kaninang madaling araw nagpapalit ng AVR ang CAAP at ito ay walang naging epekto sa mga flight.
Bukas ay may gagawin ding pagpapalit ng AVR ang CAAP. Walang epekto ito sa flight, pero tiniyak ng CAAP na walang epekto ito sa mga byahe ng mga eroplano. | ulat ni Don King Zarate