Mga anomalya sa proyekto ng NIA, pinaiimbestigahan ni Sen. Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni ni Senator Raffy Tulfo na maimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee ang aniya ay korapsyon sa National Irrigation Administration (NIA).

Base sa impormasyong nakarating kay Tulfo, mula 2017 hanggang 2022 ay aabot sa P121 billion ang pondo ng NIA para sa irrigation development at restoration.

Gayunpaman, sa nakalipas aniyang limang taon karamihan sa mga proyekto ng NIA ay hindi tapos, substandard ang mga gamit na materyales, at mayroon pang mga anomalya.

Ipinunto din ng senador ang ‘ghost projects’ na karamihan ay nasa Mindanao, na aabot sa P890 million ang pondo pero hindi naman naumpisahan.

Direktang pinangalanan ni Tulfo si Deputy Administrator Czar Sulaik, na nag-apruba sa karamihan ng 28 proyekto ng NIA sa Mindanao, na kung hindi aniya substandard ang gawa ang ilan ay hindi ginawa o inilipat ang proyekto mula sa orihinal na target area.

Pinangalanan rin mambabatas ang apat na contractor na aniya’y mistulang binibigyan ng pabor ng NIA, at kahit pa ‘blacklist’ ang mga ito ng ahensya ay nagpapalit lang ng pangalan para mabigyan pa rin ng mga proyekto.

Suportado naman ng mga senador na mabusisi ng Blue Ribbon Committee ang isiniwalat ni Tulfo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us