Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), kabilang sa mga ito si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Renato Gumban.
Si Gumban ay dati na ring nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office 18 (Negros Island Region).
National Housing Authority Assistant General Manager Alvin Feliciano. Dati na rin itong nagsilbi sa ilalim ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Alvin Blanco.
Department of the Interior and Local Government (DILG) Director Agnes De Leon.
Ang appointment paper ng mga ito ay mayroong petsang ika-17 ng Mayo, 2023.
Habang kabilang rin sa mga naitalaga sina: PCO Director Aileen Ibay at Director Rufino Gerard Moreno III. | ulat ni Racquel Bayan