Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang panunumpa sa puwesto ng mga bagong talagang opisyal ng Philippine National Railways (PNR).
Ito ay matapos silang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga nanumpang bagong opisyal sina Michael Ted Rementilla Macapagal bilang Acting Chairperson at Member ng Board of Directors.
Kasama ni Macapagal sa mga naitalaga si Eulogio Fernandez Agatep II bilang Acting Member din ng Board of Directors.
Bago naitalaga sa PNR, nagsilbing miyembro si Macapagal ng Board of Directors ng Philippine National Oil Company (PNOC) at naging dating miyembro rin ng Clark board at Gulf Oil Philippines.
Si Macapagal din ayon sa DOTr ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng major title sa insurance company sa Estados Unidos. | ulat ni Jaymark Dagala
(?: DOTr)