Mga bata mula sa Gentle Hands orphanage sa QC, inililipat na sa DSWD facility

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagpapaliwanag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Gentle Hands orphanage sa Quezon City, kaugnay sa mga paglabag na nakita ng pamahalaan sa ginawa nitong spot check.

“Ano ang mangyayari doon sa institution  if they don’t get to correct the issues. Then, we have to go through the accreditation and the licensing issues. But for now, the main goal is to protect the children.” — Secretary Rex Gatchalian

Kabilang na ang pagiging overpopulated ng pasilidad.

“Ventilation was an issue, kasi ang nangyari dito, they over capacitated the orphanage, it’s a privately run orphanage, 80 lang ang rating niya but they are running at a 149 or 150  plus, 149  actually to be exact.” — Secretary Gatchalian

Kabilang rin ang selyadong fire exits at kawalan ng house parent o social workers sa pasilidad.

“The hygiene or the living standards are not to the standards of the department. And then four, more peculiarly, sa akin po and this is what I saw when I walked in, kasi there was a security guard, our social workers introduced themselves. We are social workers, kasi di ba sa spot check rules, dapat may social worker na kasama, usually I’m not one. But you are deputized na sumama with the social worker.” —Secretary Gatchalian

Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sa kasalukuyan, inililipat na ang 149 na bata sa pasilidad ng DSWD, kahit pa 20 araw ang ibinigay na palugit ng pamahalaan sa orphanage upang magpaliwanag at ayusin ang mga nakitang paglabag ng pasilidad. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us