Mga batang ni-rescue mula sa Gentle Hands, maaari pang maibalik sa orphanage oras na maging compliant na ang pasilidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posible pang maibalik sa Gentle Hands Orphanage ang mga bata na ni-rescue ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nananatili na sa pasilidad ng departamento sa Alabang, Quezon City, at Mandaluyong.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, na hindi naman inaangkin ng pamahalaan ang kustodiya sa mga bata.

Nais lang aniya ng gobyerno na matiyak na compliant ang orphanage, upang masiguro ang kaligtasan ng mga batang nananatili doon.

Kung matatandaan, nagbaba ng cease and desist order ang DSWD sa Gentle Hands dahil sa ilang paglabag, kabilang na ang:

Ang pagiging overpopulated ng pasilidad, selyadong fire exits, at kawalan ng house parent o social workers sa pasilidad.

“Hindi po natin inaangkin ang kostudiya ng mga bata. We want to make sure lang po iyong compliance para ma-ensure iyong safety po nila. The moment na sila po ay ma-tag as compliant, DSWD pa po ang magbabalik sa mga bata.” — Lopez

Ayon sa opisyal, sa oras naman na maitama ng Gentle Hands ang mga nakitang paglabag ng DSWD, tutulong pa silang maibalik ang mga bata sa kanilang pasilidad sa Quezon City.

Ayon sa opisyal, nasa 127 bata mula sa kabuuang bilang na 149 ang nasa pasilidad ng DSWD sa kasalukuyan at nasa maayos na kondisyon ang mga ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us