Mga estudyanteng nagsisigarilyo o vape sa non-smoking areas, di aarestohin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na sisitahin lang at hindi aarestohin ang mga menor de edad o estudyante na mahuhuling gumagamit ng vape o sigarilyo sa mga non-smoking areas.

Ang paglilinaw ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan kasunod ng direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga pulis na higpitan ang pagpapatupad ng Republic Act 11900 o the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Ayon kay Maranan, pagsasabihan lang muna ng mga pulis ang mga estudyanteng mahuhuling lumalabag sa naturang batas, sa tulong ng mga magulang at opisyal ng paaralan.

Maari din aniyang kumpiskahin ng mga pulis ang vape ng mga paulit-ulit mahuli.

Ipinaalala din ni Col. Maranan na may mga umiiral na ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo at vapes sa loob ng 100 metro mula sa mga paaralan.

Kaugnay nito, inatasan ang mga local commanders na makipag-coordinate sa mga LGU sa pag-iinspeksyon ng mga establisamyentong malapit sa paaralan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us