Mga iconic at historical landmarks sa bansa, pinasasailalim sa evaluation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante na agad isailalim sa evaluation at pagsusuri ang iba pang iconic landmarks at historical sites sa buong bansa.

Kasunod ito ng pagkasunog ng National Post Office Building.

Sa privilege speech ni Abante, sinabi nito na bagama’t walang balak na magturo o manisi kung sino ang may sala, ay dapat napigilan ang naturang sunog na tumupok sa isa sa itinuturing na Iconic Cultural Property ng bansa.

Kaya naman maliban sa malalimang imbestigasyon para tukuyin kung ano ang sanhi ng sunog ay dapat na rin aniyang isailalim sa structural integrity at electrical evaluation ang lahat ng national landmarks sa bansa.

Itinutulak din ng kinatawan na magtatag ng isang private foundation na irerehistro sa Securities and Exchange Commission katuwang ang national government, na siyang mangunguna sa administration at management ng iconic landmarks at national heritage sites kasama ang restoration, repair, renovation at preservation ng mga ito.

Umaasa rin si Abante na bago ang taong 2026 ay maibangon at maitayo muli ang Manila Central Post office para sa centennial anniversary nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us