Inaanyayahan ng Quezon City LGU ang lahat ng mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod na lumahok sa ikinasa nitong #QCMinecraftChallenge.
Ito ay sa pangunguna ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) at bahagi ng Schools Reinventing Cities program, na kolaborasyon sa pagitan ng C40’s Reinventing Cities at Minecraft Education.
Sa ilalim ng program, ay kailangang bumuo at magdisenyo ng mga makabagong solusyon ang mga estudyante para mapahusay at mapabuti ang biodiversity, sustainable mobility, at public health sa lungsod sa pamamagitan ng Minecraft Education platform.
Ang QC Minecraft Challenge ay may tatlong kategorya: para sa mga estudyante sa Grade 4-6, Junior HS, at Senior HS.
Ang mananalo sa bawat kategorya ay makakatanggap ng cash prize ng hanggang ₱30,000.
Umaasa naman si QC Mayor Joy Belmonte na sa tulong ng programa ay magagamit at mas mailalapit sa mga mag-aaral sa lungsod ang
environmental initiatives ng LGU tungo sa pagiging climate-resilient city.
Ang mga interesadong QC public at private schools ay maaaring sumali at magrehistro para dito hanggang May 29, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa