Mga kanseladong biyahe sa NAIA, nadagdagan pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga nakanselang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon.

Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, kabilang sa nadagdag na kanselado ay ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) Express flight 2P 2037 at 2P 2038 mula Maynila patungong Caticlan at pabalik.

Kanina, may 16 na flights din ng CebGo ang nakansela na biyahe mula Maynila patungong Busuanga, San Jose sa Mindoro, Naga, Masbate at pabalik.

Samantala, nananatiling kanselado naman ang biyahe ng PAL mula Maynila patungong Basco at pabalik dahil pa rin sa epekto ng bagyong Betty. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us