Hinimok ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga lingkod-bayan na magsikap para sa pagiging makabayan, sa pamamagitan ng palaging paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Ginawa ni Chairperson Nograles ang panawagan kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2023.
Nagpaalala pa ito sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa kanilang sinumpaan, na sundin ang walong (8) norms of conduct na ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na kinabibilangan ng “nationalism at pagiging makabayan”.
Aniya, bilang mga kawani ng gobyerno, ugaliin umanong ipakita ang paggalang sa watawat hindi lang dahil sa sinumpaang tungkulin kung hindi dahil sa marubdob na pagmamahal sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer