Mga magiging benepisyo ng ipinapanukalang Maharlika Investment Fund, inisa-isa ni Sen. Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Senador Mark Villar, sponsor ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa Senado, ang mga magiging benepisyo para sa bansa ng naturang panukala.

Kabilang sa mga ipinunto ni Villar ang pagdudulot nito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino na magiging bunga ng mas maraming infrastructure projects.

Maitataguyod rin aniya nito ang economic growth dahil ang mas mainam na imprastraktura ay magdudulot ng mas episyenteng transportasyon, komunikasyon at iba pang sistema sa bansa.

Idinagdag rin ng senador na inaasahan ring mapapababa nito ang kahirapan dahil matutulungan ng MIF ang pamahalaan na mapangasiwaan ang budget at ang anumang fiscal pressure bilang ang ipinapanukalang pondo ang magsisilbing safety net ng Pilipinas.

Maaari rin aniyang gamitin ang MIF sa pamumuhunan sa ibang sektor gaya ng agrikultura at enerhiya.

Dagdag pang benepisyo ng MIF ay ang capital accumulation, economic stability, financial sustainability, foreign investments at pagbabawas ng foreign debt ng bansa.

Kumpiyansa si Villar na maaaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Maharlika bill ngayong huling linggo ng sesyon.

Aniya, masusing napag-aralan ang panukalang ito at nilagyan rin ng mga dagdag na ssafeguard na makapagbebenepisyo sa mga Pilipino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us