Kailangan nang paghandaan ng lahat ng sektor ang paparating na El Niño sa bansa.
Ayon kay Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, asahan na raw na maaapektuhan ang critical areas kabilang ang suplay ng tubig, agrikultura,
pagkain, enerhiya, at kalusugan.
Bagamat sa susunod na buwan pa ganap mararamdaman ang El Niño, may dry spells at banayad na tag tuyot ang naobserbahan na sa ibang lugar.
Nagpahayag na ng pag-aalala ang mga magsasaka sa tugon at diskarte ng gobyerno sa El Niño.
Dapat raw magkaroon na ng malawakang information drive tungkol sa El Niño, at ang mga posibleng epekto nito sa iba’t ibang sektor.
Kailangan ding malaman ng mga magsasaka at mangingisda ang mga obserbasyon at babala ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer