Mga malalaking truck, di muna pinapadaan sa NLEX-Camachile Flyover kasunod ng sunog kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na muna pinapasampa ang mga malalaking truck sa NLEX-Camachile Flyover Southbound kasunod ng malaking sunog na nakaapekto sa Balintawak Interchange Bridge kahapon.

Sa bungad pa lang ay mayroon nang nakapaskil na karatulang bawal dumaan ang truck sa tulay.

May mga tauhan rin mula sa Quezon City Traffic and Transport Management Department para paalalahanan ang mga motorista.

Maaari pa rin namang makadaan rito ang mga light vehicle gaya ng mga jeep.

Inirekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pansamantalang pagbabawal sa lahat ng heavy vehicles sa tulay habang hindi pa natatapos ang pagsusuri dito.

Una nang nagkasa ng initial inspection ang DPWH sa flyover para alamin kung naapektuhan ba ang structural integrity nito.

Ayon sa DPWH, magsasagawa pa sila ng detalyadong engineering investigation dahil posibleng nasira ang retrofitting sa tulay na natapos noong 2015.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us