Pinaalalahanan ngayon ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang kanilang mga miyembro at pensioner na wag ipaalam ang kanilang login credentials nang hindi makompromiso ang kanilang My.SSS account.
Tinukoy ni Macasaet na may ilang miyembrong hirap na maka-access sa My.SSS account kaya lumalapit sa mga fixer na nagpapabayad para sa mga serbisyong gaya ng pagrerehistro o pagpapa-reset ng My.SSS account.
Paliwanag nito, may ilang pagkakataong nabibiktima ang mga miyembro nito ng scammers na ginagamit ang kanilang login credentials para makapag-avail ng benepisyo o loan na hindi nila alam.
Dahil dito, pinapayuhan ng SSS ang mga miyembro at pensioner nito na huwag ipaalam sa iba ang kanilang usernames, passwords, at security questions sa My.SSS account
“We discourage them from sharing their usernames, passwords, and other login details of their My.SSS account to another person. Anyone with this information could use their My.SSS account to avail of benefits or loans without their knowledge nor consent,” ani Macasaet.
Huwag na rin aniyang lumapit sa mga fixer dahil libre naman ang mga serbisyo ng SSS at maaari lamang gawin sa mga opisina ng SSS, o gamit ang My.SSS o SSS Mobile App.
“Members and pensioners who need assistance in using My.SSS and SSS Mobile App may visit an E-Center in SSS branches. Our branch personnel are ready to assist them in creating an online account and guide them in navigating the SSS portal,” pahayag ni Macasaet.
Maaari namang i-report ang mga fixer o scammer sa anumang SSS branches o sa Special Investigation Department (SID) sa [email protected]. | ulat ni Merry Ann Bastasa