Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang mga naging ambag ng Japan para sa Pilipinas.
Ginawa ang pahayag sa idinaos na pulong sa national Graduate Institute for Policy Studies sa Japan.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, marami nang naitulong ang Japan sa bansa sa loob ng higit sa anim at kalahating dekada na pagkakaibigan.
Nitong pagkalat ng oil spill sa Mindoro,Japan ang isa sa unang tumulong matapos ang nasabing insidente.
Ang Japan din aniya ang top foreign investor sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon.
Dagdag pa ni Manalo na sabay bumangon ang Japan at Pilipinas matapos ang giyera na nagpatibay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ang Japan ang naging parter ng Pilipinas sa pagtataguyod ng renewable energy, humanitarian assistance , disaster response, education, human resources development, public healh, agriculture enhancement at pagdevelop at pagtatayo ng imprastraktura. | ulat ni Don King Zarate