Nagpahayag ng interes ang Japanese government na tumulong para lalo pang mapaunlad ang education at overseas employment sa bansa.
Natalakay ito sa serye ng courtesy call ng ilang Japanese envoys kay Vice President Sara Duterte kabilang sina Special Advisor to the Prime Minister of Japan on Women Empowerment Mori Masako, Minister for Health, Labour, and Welfare Katsunobu Kato at Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Mr. Sakamoto Takema
Kabilang sa inisyatibong inilatag ang pagbibigay ng education development training at recruitment ng mga Japanese volunteers para magturo sa mga batang Pilipino.
Maraming trabaho rin ang alok para sa Pinoy nurses lalo’t nitong Marso lang ay umabot sa 54.7% ang pumasa sa mga Pilipino na kumuha ng exam para sa mga caregivers na pinakamataas na marka na nakuha ng Filipino examinees sa nakalipas na 10 taon.
Bukod sa mga nurse, ay nangangailangan din aniya ang Japan ng skilled workers para sa construction at industrial waste treatment.
Natalakay rin sa pulong sa JICA ang pagpapalawak ng PPP programs para mas marami pang Japanese investors ang mamuhunan sa bansa at pagpapatatag ng ugnayan sa LGUs para sa pagtuturo sa mga kabataan ng disaster education. | ulat ni Merry Ann Bastasa